Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sagupaan ng MILF sa Sultan Kudarat, 8 katao patay

(Sultan Kudarat/ August 17, 2015) --- Sumampa na sa walao katao ang naiulat na namatay sa nangyaring engkwntro ng dalawang field commanders ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa probinsya ng Sultan Kudarat, ayon sa report kahapon.

Ayon sa ulat mula sa Sultan Kudarat PNP Provincial Office, nagkasagupa ang grupo nila Kumander Binago at Kumander Andy ng MILF sa Barangay Napnapan, Palimbang, Sultan Kudarat.

Lumabas sa report na inatake ng mga tauhan ni Kumander Andi mula sa Barangay Kanipaan ang kinaroroonan ng mga tauhan ni Kumander Binago bilang paghiganti sa pagkamatay ng kanilang kasamahan na si Kadil Kongo at ng 2-anyos na batang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala ng pagbabarilin ito ng riding in-tandem noong Agosto 2.

Tatlo sa mga namatay ang mga tauhan ni Binago habang dalawa naman sa panig ni Andi.

Nasa 500 residente naman ang nagsilikas sa nangyaring labanan.

Sinabi mismo ni Palimbang chief of police S/Inspector Romeo Calamba na maliban sa mga nasawi, 11 ang nasugatan sa magkabilang panig.

Awayan umano sa lupa o rido ang ugat ng bakbakan ng pamilya nina Kumander Andy at Kumander Binago.

Kaagad namang kumilos ang Central Committee ng MILF at nagpadala ng mga negosyador para ayusin ang gusot ng magkalabang grupo. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento