Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kauna-unahang Bb. Kalikasan sa Kidapawan City, kinoronahan

(Kidapawan City/ August 20, 2015) ---Kinoronahan bilang Bb. Kalikasan 2015 si Joyleen Hebron ng NDKC na nakatanggap ng 20,000 pesos at 125,000 na 1 year life Insurance mula sa M’ Lhuilier.

Base naman sa naging resulta, nasungkit ni  Joyleen Hebron ng NDKC ang darling of the press, best in production number, best in  creative indigenous attire at best in modern long gown. Nakuha naman ni Shaira Pontines  ng USM KCC ang Ms. Friendship, Ms. Teen at texter choice award. Ms. Photogenic naman ang nasungkit ni ni Jomelyn Rosebeth Antolin ng KDCI ang Ms. Photogenic at darling of the crowd si Nicole Hatamosas ng USM-KCC.


Mula 9 ay pinili ang top 5 na sina Joyleen Hebron, Mailyn Malinao, Jomelyn Rosebeth Antolin, Roweila Guboc at Shaira Pontines, na mas lalo pang pinabilib ang mga hurado sa kanilang mga sagot sa final question.

Naging 4th runner up si Jomelyn Rosebeth Antolin na nakatanggap ng 5,000 pesos, 3rd runner up si Zhaira Pontines na nakatanggap ng 7,000 pesos, 2nd runner up si Mailyn Malinao na nakatanggap naman ng 10,000 pesos, 1st runner up si Roweila Guboc na nakatannggap ng 15,000 pesos.

Ang BB. Kalikasan ay isa sa mga Highlight ng apat na araw na pagdiriwang ng Kasadya sa Timpupo Festival 2015. Mark Anthony Pispis



0 comments:

Mag-post ng isang Komento