Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Preso, patay sa riot sa loob ng BJMP

(North Cotabato/ November 5, 2014) ---Patay ang isang 49-anyos na preso makaraang pagsasaksakin ng di pa nakilalang suspek sa nangyaring riot sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology sa Amas Kidapawan City alas 9:00 ng umaga kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ramil Hojilla ang Chief Provincial Operation Branch ng CPPO, kinilala ang biktima na si Ronald Bolario, 49-anyos, magsasaka at residente ng Dalipe, Mlang, Cotabato.

Batay sa ulat ang biktima ay nahaharap sa kasong double murder with criminal case number 12-32 at 12-33 sa RTC Branch 22, Kabacan, Cotabato.

Napag-alaman na ang suspek ay naaresto sa Cordona, Cebu City ng Mlang PNP nitong July 12, 2014 at nakakulong sa BJMP noon pang July 17 ng kasalukuyang taon.

Inaalam pa ngayon ng SOCO team kung anung klase ng patalim ang ginamit sa pagpaslang sa suspek at paanu ito naipasok sa loob ng bilangguang gayung mahigpit na ipinagbabawal ang deadly weapon sa loob ng selda.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon upang alamin kung sinu ang suspek at anu ang dahilan ng nangyaring pananaksak sa loob ng BJMP ng North Cotabato. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento