Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 bulagta sa atake ng BIFF sa Sultan Kudarat

Rhoderick BeƱez

(Pres. Quirino, Sultan Kudarat/ October 23, 2014) --Tatlo-katao ang napatay sa naganap na madugong sagupaan ng mga armadong grupo laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) rebels sa hangganan ng Sultan Kudarat at Maguindanao kahapon ng umaga. 

Kabilang sa napaslang ay si Maximo Salamanca na sinasabing kapatid ni dating Mayor Emilio Salamanca ng bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat. 


Sa ulat ng pulisya, pinasok ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang mga Barangay Bagumbayan sa bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat at Barangay Kulasi sa bayan ng SK Pendatun, Maguindanao. 

Sinasabing tangkang agawin ng mga armadong rebelde ang lupaing pag-aari ng pamilya Salamanca kaya lumaban ito at mga tauhang miyembro ng Civilian Volunteer Organization laban sa BIFF rebs. 

Rumesponde na rin ang tropa ng 33rd Infantry Battalion ng Phil. Army para tumulong sa mga CVO habang nagsilikas naman ang mga residente sa dalawang barangay sa takot na maipit sa sagupaan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento