Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magkahiwalay na pamamaril sa Estudyante at Barangay Kagawad, sa Datu Piang, Maguindanao, patuloy na iniimbestigahan

(Maguindanao/ September 5, 2014) ---Napatay ang 15-anyos na hayskul student at barangay kagawad sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Barangay Kanguan, bayan ng Datu Piang, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ni P/Insp. Roldan Kuntong ang mga biktima na sina Datukung Kasim, 2nd year high school; at Kagawad Datuhan Kiton Haron, 36, ng Barangay Liong.


Base sa police report, si Kasim ay niratrat habang nakasakay sa traysikad habang sugatan naman ang 9-anyos na driver ng traysikad.


Samantala, niratrat at napatay si Kagawad Haron sa bahagi ng Datu Piang Avenue kung saan nakatakas naman ang gunmen na lulan ng motorsiklo. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento