Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magbayaw, nilikida!

(Matalam, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Patay ang magbayaw makaraang pag-babarilin at pagtatagain sa Sitio Lambayao, Matalam, North Cotabato noong kamakalawa.

Kinilala ni PSI Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Ariel Bigtasin at Nanong Ansa nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.
Nabatid na naglalakad ang dalawang biktima papunta sa isang tindahan upang bumili ng sigarilyo nang bigla na lamang silang pagbabarilin at tagain ng mga di kilalang suspek.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP upang mahuli ang mga nasa likod ng krimen.

Sinabi ni Colonia na Personal grudge at hindi land conflict ang motibo sa pagpatay sa mga batay sa lumabas sa kanilang isinagawang pagsisiyasat. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento