Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

May –ari ng ninakaw na motorsiklo sa Kabacan, nagpalabas ng pabuya

(Kabacan, North Cotabato/ September 27, 2013) ---Naglabas ngayon ng pabuya ang may-ari ng motorsiklo na ninakaw sa may Ricarte Street, Purok Bukang Liwayway, Poblacion, Kabacan, Cotabato kamakalawa.
                                                         
Ayon sa may ari na kinilalang si Retired Colonel Mac M. Casim, residente ng nabanggit na lugar.                                                               


Naniniwala itong maibabalik ang kanyang motorsiklo kung maglalabas ito ng pabuya sa sinumang makapagturo kung saan dinala ang kanyang apat na buwang pag-aaring motorsiklo.                    

Ang nasabing motorsiklo ay isang kulay pulang Suzuki Raider 150-R at may kulay na itim na stripes na sticker.                                                                                                                            
Sa ngayon patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang responsable sa nasabing pagnanakaw.                                           


Para sa may mga impormasyong hinggil sa naturang karnap na motor maari lamang makipag ugnayan sa mismong may ari na si Retired Colonel Mac M. Casim sa numerong 0908-5085928. (Cris Tuscano)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento