Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11-anyos na batang na-missing, natagpuang palutang-lutang sa isang ilog sa Magpet, North Cotabato


(Magpet, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Patay na at palutang-lutang sa isang ilog ang 11-anyos na batang babae ng matagpuan ng mga residente sa brgy Ilian bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon.

Ayon sa report ng Magpet PNP, anim na araw ng nawawala ang biktima.

Kahapon lamang ito nakita ng mga residente sa lugar na tumulong sa paghahanap sa biktima.

Nakitang naagnas na at palutang-lutang ang 11-anyos na batang babae sa Banlawan River.

Ayon sa inisyal na report, kinidnap umano ang biktima kasama ang nakatatandang kapatid nito habang nangunguha ng gulay sa tabi ng ilog.

Pero nakatakas ang kapatid nito, mula sa kanilangmga abductors pero ang 11-anyos na bata di nakaligtas sa kamay ng mga salarin.

Batay sa medico legal na isinagawa ni Municipal Health Officer Dr. Florilyn Pimentel, lumalabas sa resulta na ginahasa muna ang biktima bago pinatay gamit ang isang matigas na bagay.

Sa ngayon subject for manhunt na ng mga pulisya ang mga suspek sa nasabing krimen. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento