Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

29-anyos na tulak droga; huli sa buybust operation



(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2013) ---Arestado ang isang 29-anyos na tulak droga sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa Mantawil St., Poblacion, Kabacan alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Mario Doklaya Doctolero Jr. residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa posisyon nito ang isang plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu at ang marked money na nagkakahalaga ng P500.00.

Sa ngayon inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong kakaharapin ng suspek hinggil sa paglabag sa RA 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RB ng Bayan)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento