Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga otoridad blanko pa rin kung sino ang suspek sa panibagong shooting incident sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Wala pang lead ang Kabacan PNP kung sinu ang responsable sa pagbaril patay sa isang tricycle driver kamakalawa ng madaling araw sa Rizal St., National Highway, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Bobong Ampilan Kauyagan, 35-anyos, tricykad driver at resident eng Sunrise St, ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, naka parada umano ang sinasakyang tricykad ng biktima sa harap ng Orro Resto na pulang Kawasaki na may plate number 2703 MV ng ito umano ay lapitan ng suspek na naka suot ng dilaw na t-shirt at fatigue, nagkausap pa ang biktima at ang suspek, pero ilang sandali lamang ang nakalipas ay biglang itong bumunot ng baril at pinagbabaril si Kauyagan, ito ayon sa report ng Kabacan PNP.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.

Narekober sa crime scene ang basyo ng kalibre .45 na baril na ginamit ng suspek sa pamamaril.
Sa ulo napuruhan si Kauyagan na naging dahilan ng agara nitong Kamatayan.

Isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga otoridad ay ang personal grudge habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP. (Rhoderick Beñez)
   

0 comments:

Mag-post ng isang Komento