Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

35-anyos na lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2012) ---Dead on the spot ang isang 35-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga salarin gamit ang .45 na armas ng baril sa Rizal St., Pobalcion, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng Orro Resto  at ng Kabacan Pilot Central Elementary School, pasado alas 12 kanina ng hating gabi.


Sa Phone Interview kay P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Bobong Amkilan Kauyagan, 35-anyos, trisikad driver at Presidente ng Sunrise St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito na nagging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na kalibre .45 na baril ang ginamit ng mga di pa matukoy na suspek sa pagbaril sa biktima batay sa mga empty slug na narekober sa crime scene.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng nasabing pamamaril. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento