Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng babaeng naaagnas na; natagpuan sa boundary ng Kabacan at Matalam


(Matalam, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Isang bangkay ng babae na umaalingasaw at naaagnas na ang natagpuan sa Brgy. Natutungan sa bayan ng Matalam at boundary ng Kabacan kahapon.

Batay sa impormasyong nakalap ng DXVL News, di na umano ito kinuha ng Matalam PNP, dahil sa di na maklaro ang mukha ng nasabing biktima.

Hindi na rin matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima maliban na lamang sa nakasuot ito ng pedal.

Planu na sanang sunugin ito ng mga otoridad, pero sinabihan silang ipanawagan sa radio baka may mga kamag-anak itong naghahanap.

Kaya kung sinu man po ang nawalan ng kamag-anak, isang babae, baka ito na ang inyung hinahanap.

Hindi rin malaman sa imbestigasyon kung ginasaha muna bago sinalvage ang biktima dahil sa walang pang opisyal na report ang Matalam PNP hinggil dito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento