Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7 katao kasama ang 3 mga menor de edad; huli ng Kabacan PNP dahil sa illegal gambling


(Kabacan, North Cotabato/ December 19, 2012) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya kontra anumang uri ng illegal gambling sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP matapos na mahuli nila ang 7 katao kasama na dtto ang tatlong mga menor de edad na nag papataya ng last two at last three, isang game of chance na kinukuha ang resulta sa PCSO Lotto draw.


Nanguna sa pag aresto sa mga suspek sina P/Insp. Tirso Pascual, deputy for Intelligence and Investigation ng Kabacanb PNP kasama si RID 12 Special Branch Team P/Insp. Robert Laguitaw at agad na inilagay sa kustodiya ng Kabacan PNP sina Jovenal Mondejar, 49; Kairun Morales, 25; Mahalea Alalan, 21 at tatlong mga menor de edad na di kinilala at puro mga out of School youth.

Nakuha mula sa posisyon ng mga ito ang bet money na nagkakahalaga ng abot sa P7,985 kasama ng iba’t-ibang mga illegal number games paraphernalia’s.

Nahuli ang mga ito sa Jacinto St., at Maria Clara St., Poblacion ng bayang ito.

Isinampa na rin ng Kabacan PNP ang kasong paglabag sa RA 9287 o mas kilala sa illegal gambling act. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento