Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

38-anyos na tulak droga sa Midsayap, huli ng mga otoridad


(Midsayap, North Cotabato/ October 20, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 38-anyos na lalaki makaraang mahuling nagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Midsayap, Cotabato alas 7:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Joseph Semillano, OIC ng Midsayap PNP ang natiklo na si Jose Joel Balancio, 38, binata at residente ng Brgy. Central Glad ng nabanggit na bayan.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang P500 marked money at dalawang sachet ng suspected shabu.

Nanguna sa isinagawang buybust operation ang pinagsanib na pwersa ng Midsayap PNP at mga personnel ng 2nd Man Coy ng RPSB.

Sa ngayon kakaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento