(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2012) ---
Batay sa report ng
Kabacan PNP pinagpasa-pasahang gahasain ng limang mga suspek ang dalawang mga
biktima na itago lang sa pangalang “Mishielle” at “Kristine”.
Naganap ang gang-rape
kaninang madaling araw dakong alas 12:45 ng umaga sa Mamasakitao Boarding House
na nasa Matalam St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Sa kwento ng mga
biktima, tinutukan umano sila ng baril habang ginagawa ng mga suspek ang
kababuyan sa kanila.
Sa inisyal na
pagsisiyasat ng Kabacan PNP sa pangunguna ni P/Insp. Tirso Pascual nakita sa
mismong kwarto ng pinangyarihan ng krimen ang ilang mga foil paper na
naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.
Ayon sa mga biktima,
bago sila hinalay ng mga suspek nag-pot session muna ang mga suspek.
Napag-alaman din na ang
baril na ginamit sa pagtutok sa mga biktima ay baril-barilan.
Ginahasa ang mga biktima
sa room 3 at room 5 sa itaas na palapag ng Mamasakitao Boarding House sa
nabanggit na lugar.
Sa ngayon, nasa Kabacan
PNP Lockup cell na ang mga suspek at inihahanda na ang patung-patong na kasong
kakahrapin ng mga ito, una ang kasong rape na RA 8353 at ang rape in relation
to RA 7610 in relation to child abuse at ang RA 9165 o dangerous drugs act of
2002.
Ngayong umaga dinala na
ang mga biktima sa USM Hospital para sa medical na eksaminasyon at patuloy ang
ginagawang imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk ng Kabacan PNP.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento