Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Shabu na inilagay sa tsinelas ng isang drug courier; huli ng mga otoridad sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Arestado ng otoridad ang isang notorious drug courier sa isinagawang buybust operation sa mismong bahay ng suspek na nasa Mantawil St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:45 kahapon ng hapon.

Kinilala ng mga pulisya ang nahuli na si Marlou Doctolero, nasa tamang edad, residente ng nabanggit na lugar.

Narekober ang shabu sa mismong tsinelas ng suspek na ginagamit nito upang magbenta ng nasabing illegal na droga.

Nakuha mula sa kustodiya nito ang tatlong medium heat sealed plastic sachet, dried marijuana leaves at marked money.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek ang pinagsanib na pwersa ng mga element ng task force krislam na pinamumunuan ni PCI Tirso Pascual, Special Bravo-Regional intelligence division ng Police regional Office 12, Kabacan PNP, PDEA 12 na pinamumunuanNiel Joyce Lianseng.

Si Doctolero, pangalawa na sa mga tulak droga sa Kabacan na nahuli matapos inilunsad ang task force Krislam nitong Sabado. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento