Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Naglalabang pamilya sa Maguindanao, muling sumiklab

(Datu Montawal, Maguindanao/July 21, 2012) ---Tensyunada ngayon ang isang lugar sa bahagi ng Datu Montawal, Maguindanao matapos na nagkaputukan  ang naglalabang grupo sa lugar, partikular sa likurang bahagi ng Munisipyo simula alas 2:00 ng umaga kanina.


Ayon kay Lt. Aries Dela Cuadra nasa lugar na ang kanilang tropa para alamin kung anung grupo ang nag-lalaban sa Brgy. Talapas, Datu Montawal.

Sa inisyal na report sinasabing rido umano ng mga naglalabang pamilya at angkan na pinamumunuan ni Kumander Bhuto ang nagkasagupa kungsaan abot sa  limang minutong palitan ng putok ang nangyari.

Sinabi ni dela Cuadra na hanggang sa mga oras na ito ay maririnig pa rin ang palitan ng putok sa dalawang naglalabang grupo.

Nagsilikas na rin malapit sa National Highway ang ilang mga apektadong pamilya sa nasabing sagupaan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento