Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa nasawi at dalawa sugatan ng araruhin ng karo ng patay ang mga nag-iinuman sa Midsayap, North Cotabato


(Midsayap/North Cotabato/July 8, 2012) ---Isa ang nasawi at dalawa ang nasugatan ng araruhin ng karo ng patay ang mga sasakyang nakaparada sa harap ng isang palamigan sa Midsayap North Cotabato dakong alas 2:30 ng madaling araw kanina.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Anthony Alameda habang sugatan naman sina Godofredo Duterte at Ian Tizon mga residente sa bayan ng Midsayap.

Ayon kay Midsayap Chief of Police,Supt Franklin Anito na bigla lang binangga ng isang Starex Funeral Car na pagmamay-ari ng Pampaguenos Funeral Home Services ang mga nakaparadang mga motorsiklo at traysikad sa harap ng isang palamigan sa Quezon Avenue Barangay Poblacion 5,Midsayap.

Agad naman tumakas ang driver ng karo na nakilalang si Ian Mercader ngunit di kalayuan sa pinangyarihan ng disgrasya nahulog sa kanal ang funeral car.

Isinugod ang mga sugatang biktima sa Midsayap Community Doctors Hospital ngunit diniklara ng mga doktor si Alameda na dead on arrival habang ligtas naman sina Duterte at Tizon.

Isinuko naman ng may-ari ng punerarya si Mercader at patuloy ngayong iniimbestigahan ng pulisya dahil lasing umano ito habang nagmamaniho ng karo ng patay.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento