Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang high explosive na pampasabog natagpuan sa compound ng Alkalde ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 17, 2012) ---Palaisipan pa rin sa mga otoridad ang natagpuang Cartridge ng 60mm mortar sa loob ng compound ng lupa na pag-mamay-ari ni Kabacan Mayor George Tan sa may Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato.


Ayon kay Lt. Aries Dela Cuadra ng 7th IB, ang nasabing high explosive ay natagpuan umano ng caretaker ng alkalde habang ito ay naglilinis sa nasabing lupain.

Nang siyasatin ng EOD team ang nasabing pampasabog kaninang umaga, nabatid na wala namang fuse na nakalagay dito, kung kaya’t wala itong pangamba na sumabog.


Nakabalot sa plastic at interior ng gulong ng matagpuan ang Cartridge na inilagay sa halamanan.

Sa ngayon ay ini-turn-over na sa EOD Team ang narekober na 60mm gayunpaman, di pala rin iniaalis ng mga otoridad na posibleng inggit sa pagiging care taker sa lupa ang motibo sa paglagay ng nasabing pampapasabog. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento