Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dalawang mga climbers ni-rescue sa Mount Apo

(Kidapawan City/March 23, 2012) ---Nagtulong-tulong na ibinaba kahapon ng mga rescue members ng Kidapawan City Emergency Response Unit o KidCERU at Philippine Red Cross Kidapawan City chapter ang German national at isa pang taga-Cebu City.

         
Kinilala ng PRC Cotabato ang mga ni-rescue nila na sina Burkhard Freund, 51, na isang German national; at Cheryl Lahoy-Lahoy, 27, ng Cebu City.
         
Nabatid na umakyat sa Mount Apo, gamit ang Lake Venado trail, ang dalawang mga climbers.
         
At pababa na sila kahapon nang madulas ang German national habang naglalakad sa small forest sa may Lake Venado, malapit sa peak.

         
Napilay ang kaliwang binti ng German national.
         
Sa tulong ng porter na kasama ng mga climbers, nakatawag sila ng saklolo sa Kidapawan City.
         
Kaya’t bandang alas-tres ng hapon, kahapon, inakyat ng mga rescue volunteers ng PRC at KidCERU ang peak para i-rescue ang dalawang mga mountain climbers.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento