Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2007 na Pugante ng Amas Provincial Jail; huli ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/March 19, 2012) ---Matapos ang limang taon na pagtatago sa batas nahuli na ng mga otoridad ang isang pugante na tumakas sa Amas Provincial Jail noong taong 2007 dakong alas 8:00 ng umaga nitong Sabado sa Brgy. Magatos, Kabacan, Cotabato.


Buto Caumbo
Ang suspek ay nagpakilala sa pangalang Yasser Butch pero umamin rin siya kay P/Supt Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP na siya si Buto Caumbo, makaraang bigo itong makapagbigay ng dokumentong nagpapatunay sa una nitong pagkakakilalan.


Ayon sa report natimbrehan umano na si Caumbo ay nagtatago sa nasabing brgy noong Sabado kaya agad na inatasan ni Supt. Semillano ang mga tauhan nito na arestuhin ang suspek.

Nanguna sa pag-aresto si PChief Inspector Jubernadin Panes at ang mga elemento ng Kabacan PNP.
Nabatid na si Caumbo ay may kinakaharap na kaso dahil sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II of RA 9165.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Kabacan PNP si Caumbo at nakatakdang ilipat anumang araw simula ngayon sa Cotabato Provincial Jail sa amas, Kidapawan City. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento