(Kabacan, North Cotabato/June 1, 2012) ---Naging
bisita sa Sangguniang bayan ng Kabacan kahapon ang grupong 14 instruments mula
sa Tupi, South Cotabato grupong nagbabahagi ng mga aklat patungkol sa
kalusugan.
(Carmen, North Cotabato/May 31, 2012) ---Matapos
ang matagal na panahong pagtatago sa batas, naaresto na sa wakas, ng mga
otoridad ang suspek na responsable sa pagnanakaw ng kuryente o paglabag sa
Republic Act. 7832 o mas kilala sa tawag nag Anti-Pilferage Act.
Nanguna sina P/Chief Insp. Jordine Maribojo,
hepe ng Carmen PNP at P02 Roy Delenia, Deputy chief of Police sa pag-aresto kay
Ricardo Romano nasa tamang edad at residente ng Brgy. Aroman ng nabanggit na
bayan.
(Makilala, North
Cotabato/May 31, 2012) ---Kung ang Kidapawan City LGU mangungutang ng P75
million sa banko para ibili ng heavy equipment, ang Makilala LGU nakatakdang
bumili ng bagong bulldozer na tinaya sa mahigit P20 million.
Ang plano’ng ito ng Makilala LGU ay
aprubado na sa Sangguniang Bayan ng Makilala.
(Arakan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Pinate-terminate
na ng Department of Public Works and Highways o DPWH First Engineering District
ang kontrata ng Masulot Construction Company dahil sa hindi mahusay na
performance nito.
Ito ang sinabi ni OIC Cotabato District
Engineer Mamintal Taha sa panayam.
(Alamada, North
Cotabato/May 31, 2012) ---Nakatakdang gawin ngayong darating na June 7- 8 ang sabayang
tree growing activity sa kabundukan ng Alamada, North Cotabato kasama ang
iba’t- ibang grupo ng magsasaka at iba pang ahensya ng gobyerno.
Layunin ng gawaing
ito na paigtingin pa ang kampanya upang sagipin ang Alamada- Libungan
watershed.
(Kabacan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Ninakaw
ang isang kulay gray na laptop na may brand name na Compaq dual core T3500 na
pag-mamay-ari ng isang estudyante ng USM na pansamantalang nanunuluyan sa
Salcebar Apartment na nasa Corner Sunrise at Sinamar 1, Poblacion, Kabacan.
(Kabacan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Nagpaalala
ngayon ang pamunuan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o
MENRO sa publiko na wag ilabas ang mga basura kapag hindi schedule ng
paghahakot sa inyung lugar.
(Kabacan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Naging
matagumpay sa kabuuan ang katatapos na Brigada Eskwela sa Kabacan Pilot
Elementary School, isa sa pinakamalaking pampublikong paaralan sa bayan ng
Kabacan.
Ayon kay Kabacan Pilot Elementary School
Principal Annie Roliga, dinagsa ng maraming volunteers, mga magulang at guro ang
taunang programa ng Department of Education o DepEd.
(Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Layon
ng isinagawang “Buntis Congress” na isinagawa sa bayan ng Kabacan kahapon ay
upang alamin kung ang mga nagdadalang tao ay positibo sa sakit na Acquired
Immune Deficiency Syndrome o AIDS.
(USM, Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012)
---Sa layuning mapadali ang filing ng mga kukuha ng licensure examinations sa
Region 12 at ARMM, darating dito sa University of Southern Mindanao, USM,
Kabacan, Cotabato sa Hunyo a-dos at a-tres ang Professional Regulation
Commission o PRC Davao Regional Office.
(Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Timbog
ang isang 41-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa
Purok Chrislam, Kabacan, Cotabato dakong ala 1:15 kahapon ng hapon.
Kinilala ng Kabacan PNP ang suspetsado na si
Ting Kasan Pundag, 41, may asawa at residente ng Zone 4, Awang, Cotabato City.
(Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Nilinaw
ni P/Supt Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP na hindi galing sa Police --North
Cotabato ang kumakalat na text messages hinggil sa diumano’y may mga sasakyan
na nagunguha ng bata pati mga dalaga sa probinsiya.
(Arakan, North Cotabato/May 31, 2012) -- Pinate-terminate
na ng Department of Public Works and Highways o DPWH First Engineering District
ang kontrata ng Masulot Construction Company dahil sa hindi mahusay na
performance nito.
Ito ang sinabi ni OIC Cotabato District
Engineer Mamintal.
(Makilala, North Cotabato/May 29, 2012) ---Inaasahang
itatayo na sa lalong madaling panahon ang pinakamahabang Zipline sa Southeast
Asia na makikita sa Brgy. New Israel sa bayan ng Makilala, North Cotabato.
Ayon kay Tourism Focal Person Ralph Ryan
Rafael, abot sa P5M ang inilaang pondo ng provincial government sa nasabing
proyekto na ayon sa opisyal ay upang hikayatin pa ang mga turista na dayuhin
ang napakagandang probinsiya ng North Cotabato.
(USM, Kabacan, North Cotabato/May 29, 2012)
---Pitong araw bago ang nalalapit na pasukan sa University of Southern
Mindanao, tiniyak ngayon ni USM Security Services and Management Director
Orlando Forro ang seguridad sa loob ng USM main campus.
Ayon sa opisyal pinulong na nito kahapon ang
buong pwersa ng security forces ng USM para bigyan ng kanya-kanyang designation
sa pagbubukas ng klase sa Hunyo a-4.
(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2015) ---Pinabulagta ng tatlong mga di pa nakilalang suspek lulan ng motorsiklo ang isang babae sa ...
DXVL 94.9Mhz KOOL FM
DXVL Kool FM, 94.9 MHz is an affiliate of the state-run Radyo ng Bayan Network of the Philippine Broadcasting Service (PBS). Its broadcast studios and transmitter is situated at CAS Bldg. University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato, Philippines.