(Esperanza, Sultan Kudarat/ September 29,
2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang menor de edad na suspek na
responsable sa pangangarnap ng motorsiklo sa bahagi ng Purok riverside, Brgy.
New Panay, Esperanza, Sultan Kudarat alas 6:30 ng umaga nitong linggo.
Kinilala ni PSI Tirso Pascual, ang OIC ng
Esperanza PNP ang biktima na si Rico Delos Reyes Biñas, residente ng Purok
Malipayon ng nasabing lugar.
Batay sa ulat tinangay ng suspek ang isang
Kawasaki Bajaj 100CT kulay itim na may plakang 7205-MG noong gabi ng Sabado.
Nang maireport sa PNP, agad na nagsagawa ng
hot pursuit operation ang mga ito dahilan ng pagkakarekober ng nasabing
sasakyan mula sa isang menor de edad.
Agad namang nai-turn-over ang suspek sa
pamunuan ng DSWD. Rhoderick Beñez


0 comments:
Mag-post ng isang Komento