Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbaril sa isang Punong Barangay sa bayan ng Mlang, Ncot; iniimbestigahan pa

(North Cotabato/ July 21, 2015) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang punong barangay sa Maguindanao sa bahagi ng Magsaysay, Poblacion Mlang, North Cotabato alas 11:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Insp. Bernard Abarquez, Deputy Chief ng Malng PNP ang biktima na si Mely Macaton Pinagayao, 44 anyos Brgy Chairperson ng Brgy. Lasangat, General SK Pendatun sa lalawigan ng Maguindanao.


Ayon sa report patungo sana ng Bagon-Tapay, Mlang ang biktma pero pagdating nito sa bahagi ng Magsaysay street ng bayan ay pinagbabaril ito ng dalawang lalaki sakay ng magkakaibang motorsiklo.

Tama ng bala sa ibat- ibang bahagi ng kanyang katawan gamit ang calibre 45 na baril ang tinamo ng biktima base na rin sa mga narekober sa crime scene.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek kung saan napilitan ang isa sa mga ito na abandonahin ang sinasakyang motorsiklo sa bahagi ng Rizal at pinaniniwalaang hindi pa nakalabas sa bayan ng Mlang.

Patuloy namang tinutugis ng mag otoridad ang nasabing suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento