Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Katiwala sa Palm Oil, pinaslang

(Carmen, North Cotabato/ July 21, 2015) ---Patay ang katiwala ng Palm Oil matapos na pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Sitio, Butuan, Brgy. Kibenes, Carmen, North Cotabato kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Darat Tenorio, 25- anyos, isang caretaker sa isang Palm Oil Plantation na pag mamayari ng isang Delfin Moreno.

Ayon sa report, natagpuan na lamang ang biktima na naliligo na sa kanyang sariling dugo habang tadtad ng tama ng bala ang buong katawan.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Carmen PNP ang motibo sa krimen at sa posibleng pagkakakilanlan sa suspek sa nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento