Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) 1 patay, 16 sugatan sa pagsabog sa Kabacan

Monique Mantawil, BS Devcom
(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2014) ---Patay ang 2nd year Devcom Student ng University of Southern Mindanao habang umakyat naman sa 16 ang sugatan makaraang sumabog ang Improvised Explosive Device o IED sa Overpass ng Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:45 ngayong gabi lamang.

Kinilala ang namatay na si Monique Mantawil, 19-anyos, 2nd Year Devcom at residente ng Pedtad ng bayang ito.

Binawian ng buhay ang biktima habang binabiyahe ito patungong Davao city dahil sa maselan nitong kondisyon.

Napag-alaman na matinding tinamaan ang biktima sa ulo ng sumabog ang IED.

Sinasabing apat ang nasa kritikal na kondisyon na patuloy na ginagamot sa iba't-ibang hospital ng bayan na sina Jestoni Guerrero, 20 residente ng Sitio Liton, Samrah Simbaga 19-anyos residente ng Buldon, Maguindanao, Girlie Roiles, 17-anyos ng Kilagasan at Flo Rojama, 19-anyos ng Kidapawan city.

Pitong mga sugatan ang unang isinugod sa USM hospital.

Ilan pa sa mga sugatan ay sina Merwin Lagat, Queen Mary Alimuhamed, Ritchie Baguio, Mohamid Masukat, Arvie Strella, Geizel Mae Butil, Tonton Kusain, Rowena Nopies at Albert Pagatpat,ito batay sa report na nakuha ng DXVL Newsteam.

Karamihan sa mga sugatan ay mga estudyante ng USM.

Samantala, sugatan naman ang isang BPAT na kinilalang si Usman Dimacaling ng rumesponde sa pinangyarihan ng pagsabog.
   
Ayon naman kay PSI Jerwin Castroverde, isa pang IED ang narekober maliban pa sa isang pang kaduda-dudang bagay kaya pinasabog ito ng mga EOD Team.

Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa ang ginagawang clearing sa lugar matapos na kinordon ito ng mga kapulisan at nagkaroon ng rerouting naman sa mga dumadaan sa National Highway partikular sa Overpass.

Ang Overpass ay nasa harap lamang ng Kabacan Pilot Central Elementary School.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang pagsisiyasat ng EOD team kung anung klase ng IED ang sumabog. Rhoderick Beñez with report from Mark Anthony Pispis



0 comments:

Mag-post ng isang Komento