Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11-anyos patay matapos malunod sa Swimming Pool sa Kabacan

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2014) ---Patay ang 11-anyos na bata  matapos itong malunod sa swimming pool ng Water Land Resort sa Barangay Osias, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon.

Idineklarang patay sa Kabacan Polymedic Cooperative Hospital ang biktimang  si Claude Niko De Guzman Orquillo ng Barangay Kadingilan sa Bukidnon.


Sinasabing naiwan mag-isa ang bata na naliligo sa swimming pool kung saan namataan ito ng isa sa dalawang lifeguard atten­dant na palutang–lutang.

Kaya kaagad na sinaklolohan at dinala sa nasa­bing ospital.

Sa panayam ng dxVL Radyo ng Bayan sa katiwala ng resort  na si Alex Caligsan, dalawang lifeguard attendant ang nakatutok sa mga naliligo sa swimming pool subalit hindi na napansin ang biktima dahil na rin sa naka-lunch break ang isa sa lifeguard.

Samantala, sasagutin naman ng pamunuan ng Waterland Resort Management ang lahat ng gastusin sa biktima pati na rin ang pagpapalibing.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento