Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, pinatay ng sariling pinsan sa sakahan

(Matalam, North Cotabato/ October 27, 2014) ---Patay ang isang 21 anyos na lalaki matapos barilin ng sariling pinsan nito sa Purok Sultan, Brgy. Kibudok, Matala, North Cotabato alas 9:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, ng Matalam PNP ang biktima na si Efren Ampuan, may asawa, at isang driver habang kinilala naman ang suspek na pinsan nito na si Datu Manguda Indao, parehong residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report ng Matalam PNP kasama ng biktima si Sadam Dilangalin habang papunta ng sakahan ng ama nito at pagsapit sa bahagi ng lupa na pag mamay-ari ng isang Balik Gumangsing ay bigla na lamang itong nilapitan ng suspek at binaril si Ampuan.

Napag-alaman pa mula kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP nagtamo ng dalawang tama ng bala si Ampuan sa kanyang kanang balikat at sa itaas na bahagi ng kanyang kanang paa.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestgasyon ng mga otoridad na away sa lupa ang dahilan ng nasabing pamamaril.

Ngayon ay tinutugis na nang mga otoridad si Indao habang patuloy naman iniimbesigahan ang insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento