Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tricycle drayber, pinabulagta sa Kidapawan City

Rhoderick BeƱez

(Kidapawan City/ September 24, 2014) ---Pinabulagta ng riding tandem assassins ang isang tricycle drayber sa panibagong krimen na naganap sa Kidapawan City alas 3:30 kahapon ng hapon.

Sa report ni Pinsp. Samuel Bascon ng Kidapawan City PNP kinilala ang biktima na si Aldrin Mar Estrella Palaca, 29-anyos, may asawa, tricycle drayber at residente ng Purok Mangosteen, Brgy. Luvimin, Kidapawan City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, napag-alaman na habang sakay ang biktima ng kanyang pampasaherong tricycle ng buntutan ng riding tandem na mga suspek lulan ng Kawasaki Bajaj na kulay itim at walang plaka at pagbabarilin ito ng ilang beses gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Nag tamo ang Palaca ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nang makitang bulagta na ang biktima, agad na tumakas ang mga suspek sa bahagi ng Kidapawan City Proper.

Inaalam pa ngayon ng pulisya kung anu ang motibo sa nasabing krimen.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento