Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng 15-anyos na dalagita, natagpuang puno ng taga at saksak sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, Cotabato/ September 24, 2014) ---Wala ng buhay ng matagpuan ng isang empleyado ng SUMIFRU ang bangkay ng isang 15-anyos na dalagita sa isang farm lot sa Purok Tinago, Brgy. New Alimodian, Matalam, Cotabato pasado alas 9:00 ng umaga nitong Lunes.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang biktima ay nakilalang si Jovelyn Queme, 15-anyos, out of School Youth, residente ng Purok 3, sitio Calura, Brgy. Minamaing ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, noon pa umanong Setyembre a-15 ng hapon ng mag-paalam ang biktima sa kanyang nakatatandang kapatid na si Genelyn ng Begy. New Alimodian na umuwi sa kanila.

Pero hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay ng araw na iyon hanggang sa nakita na lamang ang bangkay nito sa isang damuhan ng isang Stanley Cabarles na empleyado ng Sumifru.

Nabatid na ang biktima ay nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib nito, ginilitan pa ito sa leeg at pinagtataga pa ng di pa nakilalang suspek ang kanang leeg nito hanggang sa mapatay.


Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente upang alamin kung anu ang motibo at kung ginahasa ba ang biktima bago pinatay. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento