Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

19-anyos na lalaki, panibagong biktima ng pamamaril sa Cotabato City

(Cotabato City/ September 8, 2014) ---Patuloy ngayon ang paghahanap ng mga otoridad sa suspek matapos pagbabarilin  ang isang 19 anyos na lalaki sa kahabaan ng Don Gonzalo Javier Street Rosary Heights 7, Cotabato City.

Kinilala ng City Police Station 2 ang biktima na si Tata Lim Sacandal, at residente ng Bagua uno ng lungsod.

Ayon sa report nakarinig ng dalawang magkakasunod na putok ang mga barangay tanod sa lugar at sa pag responde nito ay nadatnan na lamang nilang nakabulagta ang biktima at wala nang buhay.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang sikmura si Sacandal sanhi ng kanyang agarang kamatayan at mabilis namang tumakas ang di pa nakikilalang suspek.

Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng motibo ng nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento