Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 suspected drug courier, huli sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 25, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang tatlong mga pinaniniwalaang tulak droga sa magkahiwalay na operasyon ng kapulisan sa bayan ng Matalam at Kidapawan City.

Batay sa ulat, unang natiklo si Jusayn Sison Kintanar, 43-anyos, negosyante at residente ng last block, Bautista Street, Kidapawan City pasado alas 10:00 ng umaga nitong Biyernes.

Narekober mula sa bahay ng suspek ang isang  sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at ilang drug paraphernalia.

Dakong alas 11:30 ng umaga, arestado naman ang isang Cano Pandian Mamadra, 39-anyo na residente ng Ilian, Matalam, Cotabato ayon pa kay SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP.
Dalawang sachet na may lamang shabu at ilang  drug parahernalia naman ang nakuha mula sa suspek.

At bandang alas kwatro kahapon ng hapon sa Barangay Sudapin, Kidapawan City, naaresto ang isang Joseph Fernandez Lumotos alyas Joy, 39-anyos na taga Barangay Singao.

Nakuha mula kay alyas Joy ang tatlong sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu at 500 peso marked money.

Sa ngayon nakapiit na sa lock-up cell ng Kidapawan City at Matalam PNP ang mga naaresto. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento