Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, pinagtataga ng mismong kapatid

(Maguindanao/ August 24, 2014) --- Pinagtataga hanggang sa maputol ang daliri ng isang lalaki ng mismong kapatid nito dahil sa matinding galit sa Sitio Lomboy, Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Roel Bello, 28-anyos at residente ng nasabing lugar habang ang tinuturong suspek naman na kanyang kapatid ay kinilala sa pangalang Freddie.

Ayon sa salaysay ng nakakabatang kapatid ng dalawa, matagal na umanong may hidwaan ang kanyang mga kuya at kahapon ay muling nagkairingan ang mga ito.

Una umanong pinukpok ng martilyo ni Roel ang kanyang kapatid na si Freddie na nasapul sa ulo. 

Matapos ang insidente, ay agad na umalis si Freddie sa pinangyarihan ng insidente at tumungo sa bahay ng isang kaibigan.

Nang pagbalik nito, ay may bitbit-bitbit na itong patalim. 

Nang muling mamataan ni Freddie ang kapatid na si Roel, ay pinagtataga nya ito dahilan para maputol ang dalawang daliri sa kanyang kamay. 

Matapos ang insidente, ay mabilis na dinala sa pagamutan ang biktimang si Roel habang di naman tinukoy kung nasaan na sa kasalukuyan ang kapatid nitong si Freddie. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento