Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Binatilyong tubong Kabacan na magaling kumanta, kumalat na parang viral ang video sa social media

(Kabacan, North Cotabato/ August 28, 2014) ---Kumalat na parang viral sa social media ang video ng 15-anyos na binatilyo na tubong Kabacan, Cotabato.

Sa panayam ng DXVL News kay Jong Madaliday na di nito, inakala na magiging sikat ito sa facebook dahil sa umaabot na sa 200,000 ang likes nito na umaabot na rin ngayonng 33,000 shares ang kanyang video.

Si Jhong Madaliday ay residente ng Plang Village at nag-aaral sa Lumayong High School at panganay sa apat na magkakapatid.

Nagpa audition na rin ito sa The Voice Season 2 kung saan pumasa na ito sa unang screening.

Sa eksklusibong interview sa DXVL, napag-alaman na kinunan umano sila ng video nang nagngangalang si Zacky Kandalayang habang nagtutugtugan sa isang sari-sari store sa Plang Village kasama ang kanyang kaibigan.

Inapload ni Zack yang video at doon na naging viral ang video nito sa Social Media.

Kahapon ay may shooting ito sa GMA kapuso na ipapalabas sa kapuso mo Jessica Suho sa August 31 na episodes.

May imbitasyon na rin sila sa Oprah Winfrey show, pero nangangalap sila ngayon ng tulong partikular sa Kabacan LGU at kay Gov. Lala na suportahan sila.


Nagpaunlak din ito ng pagkanta sa DXVL Live Studio ng “Having you Near Me” ng Air Supply. Rhoderick Beñez

COPY THE LINK TO WATCH THE  VIRAL VIDEO

https://www.youtube.com/watch?v=DN3CYTd6nA8

0 comments:

Mag-post ng isang Komento