Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BREAKING NEWS! 3 wanted utas sa pulis operation sa Cotabato City

(Cotabato city/ June 23, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang tatlong mga kalalakihan matapos magsagawa ng police operation ang Cotabato City Public Safety Company at Public Safety Company  ng Maguindanao Police Provincial Office sa Bagua 2, Cotabato City pasado alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni Cotabato City PNP Director Senior Supt. Rolen Balquin ang mga suspek na sina Moktar Santo na napag alamang may pending warrant of arrest ng multiple murder with 57 counts o isa sa mga suspek na kabilang sa Maguindanao Massacre, at napag alaman rin na isa sa mga may patong sa ulo na 250,000 pesos
ng mga wanted person, Guiamaludin Buisan alyas Katindig at isang alyas Bad Boy na pawang mga myembro ng grupo na kung saan nagliliquidate ng mga personality para paslangin.

Ayon sa ulat dalawang araw nilang pinagplanuhan ang pag huli sa tatlong mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon na ang mga suspek ay nasa lungsod lamang ng Cotabato.

Nabatid na pitong araw lamang sana nilang rerentahan ang isang bahay para gawin ang kanilang plano peru doon na sila naabutan ng mga otoridad.

Narekober naman sa crime scene ang isang m16 riffle, isang 45 caliber pistol at anim na hand grenade.

Hindi na nagawang manglaban pa ang mga suspek na ngayon ay dinala na sa isang funeral home ng lungsod.


Kaugnay nito ayon pa kay Balquin,na isa rin sila sa mga suspek sa pamamaril noong nakaraang Ramadan sa Ramadan na nangyari sa Maganoy, Shariff Aguak, Maguindanao. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento