Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

42-anyos na drug courier, patay sa pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ June 23, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong mga kalalakihan ang isang 42-anyos na lalaki sa panibagong krimen na nangyari sa Purok 6, Sitio Anao, Brgy. Muan, Kidapawan city alas 9:45 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ng Kidapawan city PNP ang biktima na si Vernon Veroso Milina, may asawa at residente ng Dumacon St., Kidapawan City.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan nasa loob ng mismong silid nito ang biktima ng biglang dumating ang tatlo at walang pasabi at pinagbabaril si Milina.

Tadtad ng tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek ng makitang bulagta na ang suspek at naisakatuparan na ang masamang balakin.

Sa ginawang imbestigasyon ng SOCO team kanilang narekober ang 12 empty shell at walong basyo ng kalinre .45 na pistol, ilang plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu, isang unit ng kalibre .22 na baril na may limang mga bala.

Ayon kay PSI Jojet Nicolas ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na isinailalim na sa Crime lab ang mga narekober sa crime scene habang nasa Pantonial Funeral Homes na ang bangkay ng biktima para sa gagawing  post mortem examination.

Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation para sa posibbleng ikaaresto na ng mga tumakas na suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento