Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Replika ng Asik- asik Falls makikita sa Midsayap, North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/August 28, 2012) ---Matatagpuan sa municipal gym ng Midsayap ang nakamamanghang replika ng natatanging spring falls sa Pilipinas- ang Asik- asik.

Opisyal itong nakita ng publiko noong Linggo, August 27, na itinaon sa playsuit competition segment ng 2012 Search for Mutya ng North Cotabato.

Nang matapos ang nasabing beauty pageant, hindi magkamayaw ang publiko sa pagpapakuha ng litrato sa replika ng Asik- asik falls.

Ayon kay Mark Calapis na siyang nagdisenyo ng replika, abot sa higit pitumpong sako ng semento ang ginamit upang magaya at magawa ang isang bahagi ng Asik-asik falls. 

Naglagay rin ng dalawang water pumps at mga piraso ng tubo sa likurang bahagi ng replika upang magkaroon ng artipisyal na daluyan ng tubig na lalabas mula sa mga batong gawa sa semento.
Matatagpuan ang totoong Asik- Asik Spring falls sa Sitio Dulao, Barangay Dado sa bayan ng Alamada.

Matatandaang ipinapatupad ngayon ng pamahalaan ang preventive closure sa pagtungo sa Asik- asik dahil kasalukuyang ginagawa ang rehabilitasyon ng kalsada sa lugar.

Nabatid din na muling bubuksan sa publiko ang pagbisita dito ngayong darating na September 1.(Roderick Bautista)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento