Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tribal Chieftain pinatay at mga sibilyan hinostage ng mga NPA sa North Cotabato


(Arakan, North Cotabato/July 28, 2012) ---Pinasok ng tinatayang anim na pung mga miembro ng New Peoples Army ang Sitio Kiapat, Barangay Ganatan, Arakan, North Cotabato dakong alas 2 ng madaling araw kanina.

Ayun kay 6th Infantry Division Public Affairs Chief,Colonel Prudencio Asto na iginapos ng mga rebelde sa puno ng kahoy ang lahat ng mga kalalakihan at labis na pinahiran ang tribal chieftain nito na nakilalang si Libontos Impok Ansabo alyas Datu Ibon.


Pagsapit ng alas 6 ng umaga pinatay ng mga NPA si Datu Ibon at may ilang kabahayan ng mga residente ang sinunog.Sinabi ni Asto na nagalit na umano ang mga rebelde dahil umayaw na ang mga sibilyan na magbigay ng revolutionary tax.

Sa kasalukuyan ay patuloy na tinutugis ng mga tauhan ng 10th Special Forces Company at 57th Infantry Philippine Army ang mga rebelde sa ilalim ng Front Committee 53 na tumakas patungo sa paanan ng Mount Apo.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento