(Tacurong City, Sultan Kudarat/February 18, 2012) ---Isang granda ang natagpuan sa isang rice mill sa Tacurong City, Sultan Kudarat, kamakalawa.

Ang truck ay nakaparada sa harap ng rice mill na pag-aari ng isang Beverly Digal ng Purok Kabugwason, Barangay Kalawag-Uno sa Tacurong City.
Agad humingi ng police assistance si Digal.
Sa pagdating ng mga elemento ng Explosives and Ordnance Disposa Team, agad nila’ng tinanggal ang safety lever ng Granada.
Hanggang sa ngayon palaisipan pa rin kung sino ang posibleng nag-iwan ng Granada at motibo nito.
Inilagay na sa kustodiya ng EOD ang naturang explosive.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento