Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Budget ng isang LGU sa North Cotabato; di pa aprubado

(Magpet, North Cotabato/February 18, 2012) ---Hanggang sa ngayon ‘di pa naaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Magpet ang inihaing budget ng executive department para sa taong 2012.



Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, matagal nang ipinasa ng Budget Office ng Magpet LGU ang 2012 budget sa SB pero hanggang sa ngayon di pa ito aprubado.

Noong Huwebes, pinulong umano ni Magpet Mayor Efren Pinol ang mga job order employees, contractual workers, at mga midwives at ipinaliwanag sa mga ito na ang sahod nila nakadepende sa budget.

Pinulong din kahapon ni Pinol ang mga kapitan ng barangay patungkol sa isyu.

Ang pondo ng barangay at mga opisina ng Magpet LGU ay nakadepende sa 2012 budget.

Ang delay sa approval ng budget nangangahulugan ng delay din sa releases ng pondo para sa mga proyekto ng executive department.  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento