Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


DXVL News (The Morning News)
November 24, 2011

Sinugba festival, gaganapin ngayong araw sa bayan ng Midsayap kasabay ng 75th foundation anniversary bukas

Abala sa paghahanda ang working committee ng 2011 Sinugba festival upang masiguro na magiging maayos ang taunang ihaw- ihaw contest and presentation sa kalsadahan ng Midsayap.

Magkakaroon muna ng opening program bukas sa ganap na ikatlo ng hapon kung saan inaasahan ang pagdalo ni North Cotabato First District Representative Susing Sacdalan na siyang guest speaker ng programa.

Inaasahan rin ang aktibong partisipasyon ng iba’t- ibang sektor bukas sa sabayang ihaw- ihaw na gagawin sa municipal plaza at sa kahabaan ng Quezon Avenue, Midsayap.

Nagpapaabot naman ng imbitasyon si Midsayap Mayor Maning Rabara na makisali at makisaya sa 2011 Sayap Sinugba Festival

Mahigpit naman ang seguridad na ipinapatupad ng kapulisan upang masiguro na ligtas at mapayapa ang weeklong celebration ng araw ng midsayap.

Nagdiriwang ngayong November 25, 2011 ng ika- 75 taong anibersaryo  o diamond anniversary ang bayan.(with reports from Balong Bautista)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento