Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 inspector ng Weena Bus; pinagbabaril sa Kabacan, Cotabato

Pinagbabaril ang dalawang inspector ng Weena Bus dakong alas 10:15 ngayong umaga lamang habang papalabas ang nasabing aircon bus mula sa Kabacan Transport Terminal ng mga di pa nakilalang mga salarin gamit ang di pa matukoy na uri ng baril.

Sa report na nakalap ng DXVL –Radyo ng Bayan mula sa Kabacan Medical Specialist kinilala ang mga biktima na sina Manuel Toritel na natamaan sa dibdib at Sato Cambang na resident eng Datu Montawal na sa gilid ang tama malapit sa kili-kili ng biktima.

Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa Kabacan Medical Specialist para malapatan ng karampatang lunas.

Nabatid na papalabas ang bus mula sa nasabing terminal ng pagbabarilin ito ng mga di pa nakilalang mga salarin.

Ang bus ay patungo ng cotabato city mula sa biyahe nito sa Davao city.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento