Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

April 25, 2011

Paggunita ng Semana santa naging mapayapa at matiwasay sa kabuuan- Kabacan PNP

Naging mapayapa at matiwasay sa kabuuan ang paggunita ng semana santa dito sa bayan ng Kabacan ngayong taon ayon sa report ng Kabacan Municipal Police station.

Ito ay matapos na itinaas sa red alert ang kanilang hanay ilang araw bago ang paggunita ng mahal na araw.

Mas pinaigting rin ng mga otoridad ang kanilang police visibility sa mga matataong lugar kagaya ng simbahan, lansangan, public terminals at maging sa palengke.

Patuloy rin ang kanilang pagpapatupad ng mga check points sa mga pangunahing lansangan ng bayan.

Naireport din ang dalawa kataong nahuli dahil sa iligal na droga, ilang mga pity crimes kagaya ng pagnanakaw noong kasagsagan ng pagdiriwang ng semana santa.

Subalit ideneklara namang tahimik at matiwasay sa kabuuan ang paggunita ng semana santa sa bayan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento