Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


DXVL Breaking News:

2 patay; 4 sugatan sa pagsabog ng granada sa Kabacan, Cotabato

Dead on the spot ang dalawa kataong nakilala lang sa pangalang alias Misuari at Baser Taba makaraang masabugan ng hand grenade na nasa loob ng pamamahay na pag-aari ni Max Badal na nasa Mantawil St., Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 5:05 kanina

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan PNP sa pangunguna ni P/Supt. Joseph Semillano nabatid na pinaglalaruan umano ng dalawa ang nasabing Granada na naging dahilan ng isang malakas na pagsabog ang naramdaman ng mga residente ng Purok Chrislam kanina.

Kabilang pa sa mga sugatang biktima na nasa loob ng nasabing bahay ay sina: Johaybin Badal, 6-anyos, Bensar Giamalon, Jemar Suelo at Modsing Giamalon na agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ng karampatang lunas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulisya sa nangyaring insedente para alamin ang totoong motibo ng nasabing pagsabog ng Granada. (RB ng Bayan)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento