Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dragnet operation ng mga otoridad, pinaigting makaraang mapatay ang isang kawani ng Shariah court

Nagpapatuloy ngayon ang manhunt operation ng mga pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP at ng Philippine Army makaraang pinagbabaril ang isang kawani ng Shariah court dito sa bayan ng Kabacan.

Kinilala ng mga Pulisya ang biktima na si Norma Delicana, 55-taonggulang, may asawa at residente ng Arcedo St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, napag-alaman na habang papauwi ang biktima dakong alas 7:00 ng gabi noong Lunes galing sa kanyang trabaho sa Shariah court sa munispyo ng Kabacan.

Sakay sa trysikad ng pagdating nito ng Arcedo St, particular sa harap ng bahay ni Sainudla Sangkilan, isang di nakilalang driver kasama ang isa pang backrider parehong may suot na helmet sakay sa isang motorsiklo na walang plate number.

Ang diumano’y bumaril sa biktima. Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa kanyang katawan kungsaan mabilis namang itong isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Subalit agad naman itong binawian ng buhay.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang mga basyo ng Cal. 45 na baril. Agad namang tumakas ang mga salarin matapos ang insedente.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento