Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

08:00am

2 sunog naganap sa Kidapawan City sa pagtatapos ng Fire Prevention Month

ISANG residential house na pag-aari ni Arcangel Apolinario sa may Delima Subdivision sa Barangay Singao, Kidapawan City, ang naabo sa sunog, alas-945 ng umaga, kahapon.
        
Ayon sa report, ang bahay ay yari sa light materials at nang maganap ang sunog, walang tao sa loob ng bahay.
        
Abot sa P100 thousand ang halaga ng mga natupok sa sunog.
        
Inaalam pa ng mga fire investigators kung ano ang pinagmulan ng sunog.
        
SAMANTALA, dakong alas-1245 ng tanghali, kahapon, muntik nang maabo ang klinika na pag-aari ni Dr. Thad Evangelista, na nasa Tamesis St., Kidapawan City.
        
Ayon sa report, biglang nag-apoy ang bubong ng klinika ni Dr. Evangelista makaraang may magtapon ng upos ng sigarilyo doon.
        
At dahil mainit ang panahon at may mga karton pang nakalagay sa erya, agad nagdulot ito ng usok.  Pero dahil maagap na nakatawag ng fire call, mabilis na naagapan ang paglaki ng apoy.
        
Nataan ang dalawang fire incident na ito sa pagtatapos ng Fire Prevention Month.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento