(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2015) ---Hawak
na ngayon ng Kabacan PNP ang isa sa mga suspek sa pagpaslang sa mag-asawang
Gracia at sa 14-anyos na dalagita sa Purok Pag-asa, Brgy. Aringay, Kabacan,
Cotabato nitong weekend.
Ito ayon kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng
Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng DXVL News na nasa kanilang kustodiya ngayon
ang suspek na si Roberto Gracia Cabrera 52 anyos, may asawa at kamag-anak ng
biktima, residente ng Purok Namnama, Dagupan, Kabacan, Cotabato.















