Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pulis, 10 kasama, huli sa pagnanakaw ng pinya!

(South Cotabato/ November 4, 2015) ---Kalaboso ang binagsakan ng isang pulis at sampu nitong kasamahan makaraang arestuhin dahil sa pagnanakaw ng mga pinya sa Field 302C ng DOLE-Philippines sa Barangay Crossing, Palkan sa bayan ng Polomolok, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina PO3 Edwin Tabamo ng regional headquarters and service company; Sandy Arostique, Joey Arostique, Ian Arostique, Joan Tamayo, Quinton Mahusay, Joel Tamayo, Boyet Agustin, Marvin Suarez, Renato Sera, at si Ronnie Sera. Nahaharap sa kasong administratibo si PO3 Tabamo na siyang nagmaneho ng utility van lulan ang 50 pinya mula sa DOLE-Phils. Nasamsam sa loob ng van ang cal. 40 pistol, cal. 45 pistol, cal. 38 revolver, mga bala, drug paraphernalia, at limang plastic sachet ng shabu. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento