Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, sekyu patay sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato

(North Cotabato/ October 5, 2015) ---Dalawa katao ang naiulat na namatay sa magkahiwalay na insidente ng krimen sa lalawigan ng North Cotabato, nitong weekend.
Kinilala ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Noel Biaong na taga brgy. Noa, Magpet.

Batay sa ulat, lulan ng motorsiklo ang biktima ng tambangan ng di pa nakilalang mga suspek at pinagbabaril.

Posibleng mga nakaalitan ng biktima ang sinusundang anggulo ng mga otoridad sa pagbaril sa kanya.

Samantala, natagpuan namang nakahandusay ang katawan ng biktimang si Macario Porras Gadnana, 48 anyos sa ilalim ng mesa sa Delinanas Banana Plantation plant 4 sa brgy. Tambac, Tulunan, kahapon.

Ayon kay Ins. Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP, alas sais na ng umaga ng madiskubrehan ang bangkay ng biktima na sinasabing pinagsasaksak ng kanyang kainuman.

Patuloy na ngayon tinutugis ng mga otoridad ang suspek matapos itong matukoy ng mga otoridad sa pamamgitan rin ng mga witnesses sa krimen makaraang tumakas na ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento