Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

22-anyos na lalaki, kalaboso dahil sa paggamit ng ilegal na droga sa Matalam, North Cotabato.

(Matalam, North Cotabato/ September 18, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 22-anyos na lalaki matapos makuhanan ng ilegal na droga ng Matalam PNP sa brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ni PCI Elias Diosma colonia ang suspek na si Esmael Lala Lumambas na taga Purok Islam, Poblacion Matalam matapos masakote ng mga otoridad.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Matalam PNP lock up cell habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Matantandaang ilang mga indibidwal na rin ang nahuli ng mga otoridad na gumagamit ng ilegal na droga na nakatira sa Purok Islam na itinuturing na bagsakan at mismong pinagkukunan ng ilegal drugs sa bayan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento